BIGLA na lamang namatay sa Saudi Arabia ang isang Filipino cook habang kausap sa telepono ang kanyang misis.
Kinilala ang overseas Filipino worker (OFW) na si Arnel Casilie, 17 taon nang nagtatrabaho sa isang restaurant sa Jeddah.
Ayon kay Ronaldo Luna, isa sa mga kasama sa trabaho ni Casilie, nag-collapse si Arnel at namatay sa isang convenience store habang kasama ang iba pang co-worker.
Ang masaklap pa, kausap ng cook ang asawa sa Pilipinas nang bawian ng buhay.
Pinayuhan na si Casilie ng kanyang mga katrabaho na mag-leave at magpa-check-up bago ang insidente dahil nakararamdam ito ng pananakit ng katawan.
The post OFW tigok sa Saudi habang kausap si misis appeared first on Remate.