Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Pedicab driver binoga, todas

$
0
0

TODAS ang isang pedicab driver nang barilin ng ‘di nakilalang suspek habang nagtatawag ng pasahero sa Tondo, Maynila kaninang madaling-araw.

Dead-on-the spot din ang biktimang si Dominique Magdula, ng 1700 Canal de Reina St., Tondo, Manila sanhi ng tama ng bala sa likod at likurang bahagi ng tainga.

Inilarawan ang suspek na may edad 14-16, may taas na 4’11, nakasuot ng itim na t-shirt at brown na short pants at armado ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril.

Sa report, alas-12:30 ng madaling-araw nang naganap ang insidente sa kanto ng Herbosa at Cabangis Sts., Tondo.

Nang matiyak na patay na ang biktima, agad tumakas ang suspek dala ang ginamit na baril.

Atraso o dating alitan ang tinitingnang motibo sa pagpatay.

The post Pedicab driver binoga, todas appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>