MAGSISIMBANG may bulak sa ilong ang isang Sanguniangbayan member matapos ambusin ng armadong kalalakihan sa La Union nitong Martes ng gabi, Marso 25.
Dead-on-arrival sa Bacnotan District Hospital (BDH) sanhi ng tama ng bala ng kalibre .45 sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktimang si Onofre Almojuela, 70, Bacnotan municipal councilor at residente ng Barangay Mabanengbeng.
Wala pang ideya ang Bacnotan PNP kung sino ang nasa likod ng pag-atake pero isa sa mga sinisilip na motibo ay may kaugnayan sa pulitiko.
Sa ulat, naganap ang insidente alas-8:35 nitong Martes ng gabi sa Barangay Mabanengbeng 2nd sa bayan ng Bacnotan, La Union.
Sinabi ni Senior Insp. Christian Alquiza, hepe ng Bacnotan Municipal Police Station, na pauwi na ang biktima sakay ng kanyang van nang tambangan ng may tatlo hanggang limang suspek.
Ipinagtataka naman ng misis ng municipal councilor na si Revelina Almojuela, ang pagpatay sa kanyang mister na walang kaaway o pagbabanta sa kanyang buhay.
The post La Union municipal councilor tigbak sa ambush appeared first on Remate.