Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Government employee tiklo sa droga

$
0
0

SWAK sa kulungan ang 41-anyos na government employee matapos madakip ng operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang drug buy-bust sa General Mariano Alvarez (GMA), Cavite nitong nakalipas na Marso 27, 2014, Huwebes.

Kinilala ang nadakip na si  Nicon Echevarria, alyas Nikki, number 1 priority target ng PDEA Regional Office 4A. Isang government employee at radio operator ng General Mariano Alvarez Municipal Police Station at residente ng Pasong Saging, Brgy. Delas Alas, General Mariano Alvarez, Cavite.

Nadakip si Echevarria sa bisa ng search warrant na inisyu ni Honorable Agripino G. Morga Executive Judge of Regional Trial Court Brach 32 ng San Pablo City sa Pasong Saging, Brgy. Delas Alas, General Mariano Alvarez, Cavite nitong nakalipas na Huwebes.

Nakumpiska mula kay Echavarria ang M4 carbine na may scope at silencer, isang hand grenade, isang shot gun, isang sumpak, isang .22 Magnum revolver, isang señorita Dellinger, isang old-fashioned hand-gun, isang base radio, isang  two-way radio, isang closed circuit television (CCTV), iba’t ibang drug paraphernalia at siyam na piraso ng transparent plastic sachets ng shabu na may bigat na pitong gramo.

The post Government employee tiklo sa droga appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129