NAKAPAGTALA ng intensity 3 na lindol sa Kidapawan City at Makilala, North Cotabato; habang intensity 2 naman sa M’lang at Magpet, North Cotabato.
Ito’y kasunod ng nangyaring 3.5 magnitude na pagyanig, malapit sa Kidapawan City, bandang alas-10:39 kagabi.
Natukoy ng PHIVOLCS ang epicenter sa layong 33 kilometro (km) timog-kanluran ng Kidapawan City.
May lalim lamang itong 31 kilometro at tectonic ang pinagmulan.
The post Kidapawan City, niyanig ng lindol appeared first on Remate.