TINATAYANG umabot sa 2,000 pamilya ang nawalan ng bahay sa anim na oras na sunog sa apat na barangay sa Davao.
Sa ulat, nagsimula ang sunog sa Purok 4, Isla Verde, Davao City lugar ng mga Bajao, alas-8:30 kagabi at naapula ang sunog alas-2:00 kaninang madaling-araw.
Kabilang sa mga nasunog ang 18 alagang baboy ng isang ginang, samantalang 30 manok naman ang hindi nailigtas ng isa pang biktima ng sunog.
Sa Purok 4, kung saan nagsimula ang sunog ay nagtalunan sa hanggang leeg na lalim ng dagat ang mga residente upang mailigtas ang kanilang sarili.
Inaalam pa ang kalagayan ng dalawang bata na una nang naiulat na na-trap sa loob ng kanilang bahay,
May mga report na sinadya ang sunog upang masulosyunan ang suliranin ng lungsod sa paglinis ng drainage ngunit hindi naman kinumpirma ng pamahalaang lungsod.
Ang mga biktima sa ngayon ay nasa iba’t-ibang paaralan at gym sa karatig barangay na di naapektuhan sa sunog.
The post 2,000 pamilya nasunugan sa Davao City appeared first on Remate.