SISIMULAN na ang gun ban para sa May 2013 midterm elections sa Enero 13.
Batay sa Commission on Elections (Comelec) Resolution No. 9385 ipinagbabawal ang pagdadala ng mga armas at iba pang deadly weapon, maliban na lang kung binigyan ito ng awtorisasyon ng Comelec.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) spokesman Chief Supt. Generoso Cerbo Jr., matagal na nila itong pinaghandaan at mayroon na rin silang itinayong check points para dito.
Nakikipag-ugnayan na ang PNP at Armed Forces of the Philippines sa Comelec hinggil sa gun ban.
Binigyang diin ni Cerbo na dahil sa gun ban, kanselado na riin ang lahat ng permit na ibinigay ng PNP.