TINAGA ng isang ama ng tahanan ang kamay ng binatang tangkang gumahasa sa kanyang anak sa Pagbilao, Quezon kaninang madaling-araw, Abril 6.
Nakaratay ngayon sa Quezon Medical Center sanhi ng pagkaputol ng kaliwang kamay at nahaharap sa kasong attempted rape ang suspek na si Teddy Binohlan, 18, construction worker at tubong Banawe, Ifugao.
Sa ulat, naganap ang insidente alas-12:15 ng madaling-araw sa mismong kuwarto ng biktima.
Sa salaysay ng 24-anyos na ginang na hiwalay sa mister, nahahalata na niyang may kursunada sa kanya ang suspek pero binalewala lang niya ito.
Pero habang natutulog kaninang madaling-araw ang biktima at ang kanyang dalawang anak, naalimpungatan ang ginang nang maramdaman na may nagbaba ng kanyang underwear.
Bago pa maibaba nang tuluyan, nagsisigaw na ang biktima at narinig ng kanyang tatay na nasa katabing bahay lamang nakatira na halos nilundag ang kuwarto ng kanyang anak mula sa kanilang bahay at nadatnang nakahubad ang suspek na lango sa alak.
Nakipag-patintero pa ang suspek sa tatay ng biktima pero nataga ito sa kamay habang tumatakas.
Napag-alamang nagtatrabaho ang suspek sa Pueblo Porla Playa, Bgy. Bantigue, Pagbilao, Quezon bilang construction worker.
The post Binata putol ang kamay sa rereypin na ginang appeared first on Remate.