Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

3 dakip sa paggamit ng shabu sa ospital

$
0
0

docadikDAKIP ang isang empleyado ng ospital at dalawang bisita matapos gumamit ng shabu sa roof top ng ospital sa Caloocan City kagabi, Abril 7.

Kinilala ang mga suspek na sina Dennis Santos, 34, empleyado ng Caloocan Medical Center at ang dalawang bisitang sina Rick Valderama, 34, at Rhonel Avila, 21.

Sa ulat, alas-10 kagabi, nakarinig ng mga kaluskos sa roof top ang hindi na nakuhang pangalan ng supervisor ng Caloocan Medical Center sa A. Mabini St., ng lungsod.

Nang tingnan ay nakita ang mga suspek na gumagamit ng shabu sa isang kuwarto na naging dahilan upang itawag sa mga pulis at nang respondehan ay hindi na nakapalag ang tatlo nang dakpin.

Nakuha sa mga suspek ang sachet ng shabu at mga paraphernalia na naging dahilan upang dalhin sa presinto.

The post 3 dakip sa paggamit ng shabu sa ospital appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>