NAIUWI na ng 59-anyos na ginang na taga-Muntinlupa ang halos P250 milyon jackpot prize ng 6/55 Grand Lotto na binola noong Abril 7 sa tanggapan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Pasay City.
Solong nasungkit ng ginang ang P249,841,572.00 makaraang makuha ang lumabas na kombinasyon na 39-21-42-28-05-27 na mula sa edad at araw ng kapanganakan ng kanyang mga anak at asawa.
Napag-alaman kay PCSO General Manager Jose Ferdinand Rojas II, plano ng ginang na bumili ng sarili nilang bahay at lupa, partehan ang kanyang mga anak at magtabi para sa kanilang kinabukasan.
Sinabi ni Rojas na sa kasalukuyan, ito na ang pinakamalaking premyo na solong napanalunan sa pagpasok ng taong 2014.
The post P250-M 6/55 Grand Lotto jackpot prize naiuwi na appeared first on Remate.