Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Ilang landslides naitala sa Leyte

$
0
0

NAKAPAGTALA ng ilang landslide sa Leyte bunsod ng nararanasang pag-ulan kung saan nagpapatuloy sa kasalukuyan ang ginagawang clearing operation ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ayon sa Office of Civil Defense (OCD), umaabot sa limang lugar sa Leyte ang may naitalang landslide na kinabibilangan ng Lapaz-Javier-Bito road; Uguis, Mahaplag Leyte; Tacloban-Baybay south road, Bgy. Liberation; Bgy. Villa at Kahupian road sa Sogod, Southern Leyte.

Sa kasalukuyan ay may isang lane pa lang ang puwedeng madaanan ng mga sasakyan sa Bgy. Liberation, habang pahirap naman sa mga motorista ang daan sa Bito road sa Lapaz-Javier dahil maliban sa landslide ay binaha rin ang lugar.

Dahil dito, nakaantabay ang Disaster Risk Reduction and Management Council sa iba’t ibang landslide at flood prone area sa Leyte at Samar.

Samantala, lubog sa tubig-baha ang 16 barangay sa bayan ng Oras sa probinsya ng Eastern Samar dahil sa dalawang araw na malakas na pagbuhos ng ulan na dulot ng low pressure area.

The post Ilang landslides naitala sa Leyte appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>