NIYANIG ng 7.5 magnitude na lindol ang ilang bahagi ng Mexico nitong Biyernes ng gabi (oras sa Pilipinas).
Ayon sa ulat ng US Geological Survey (USGS), naitala ang malakas na lindol sa Guerrero o sa hilagang direksyon ng Acapulco.
May lalim itong 51 kilometro at tectonic ang pinagmulan.
Sinasabing partikular na nakaramdam ng pagyanig ay ang mga nasa capital ng Mexico City.
Tumagal ng 30 segundo ang lindol, kung saan maraming tao ang naglabasan mula sa mga gusali.
The post Mexico niyanig ng 7.5 magnitude quake appeared first on Remate.