Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Nambugbog kay Vhong nakalabas na ng bansa

$
0
0

KINUMPIRMA ni Justice Secretary Leila de Lima na nakalabas na ng bansa ang isa sa nambugbog sa aktor na si Vhong Navarro.

Agad namang pinaimbestigahan ni De Lima sa Bureau of Immigration (BI) kung papaanong nakalabas ng bansa pa-Singapore si Jose Paolo Calma noong Abril 10, isang araw bago nailabas ang warrant of arrest at sa kabila ng nasa LB order ito.

Lumalabas naman sa record ng BI, na kaya nakalabas ng bansa si Calma dahil John Paul Calma ang nakarehistro sa kanilang lookout bulletin order habang Jose Paolo Calma naman ang nakalagay sa passport nito.

Si Calma ay kasama sa grupo ni Cedric Lee na nambugbog sa aktor noong Enero 22.

The post Nambugbog kay Vhong nakalabas na ng bansa appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>