SINASABING labis na galit ang nadarama ng isang suspek base sa kanyang ginawang pagpatay sa isang lola sa Quezon City, sa ulat ng pulisya.
Kinilala ang biktima na si Winnie Canopo, 62, ng Riverview Old Samson Rd., Brgy. Apolonio Samson, nabanggit na lungsod.
Natagpuan ang biktima na tadtad ng saksak sa katawan.
Inaalam pa kung ano ang motibo sa krimen habang tinutunton na ang pinagtataguan ng suspek.
The post 62-anyos lola kinatay sa Quezon City appeared first on Remate.