LUNA, LA UNION – Patay ang 37-anyos na lalaki matapos malunod sa dagat ng Barangay Nalvo Sur, Luna, La Union kaninang umaga.
Kinilala ang biktima na si Orlando Nacino, ng Santol, nasabing lalawigan.
Sa report, bago maganap ang insidente, nakita pang nakipag-inuman ang biktima sa kanyang mga kaibigan sa isang cottage.
Sa gitna ng kanilang pag-iinuman, lumusong si Nacino sa malalim na parte ng dagat at nalunod.
Natagpuan ang bangkay ng biktima na palutang-lutang na sa tubig.
The post Senglot patay sa lunod sa La Union appeared first on Remate.