ISANG low pressure area (LPA) ang mahigpit na binabatanyan ngayon ng weather bureau subalit nasa labas pa ito ng Philippine area of responsibility (PAR) ayon sa ulat ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) kaninang umaga, Abril 28, 2014.
Ayon sa PAGASA, namataan ang sama ng panahon sa layong 1,000 kilometro at malayo pa sa boundary ng PAR alas-8:00 ng umaga.
Sinabi ni Fernando Cada, weather forecaster ng PAGASA, malabong maging bagyo ang naturang LPA dahil nasa karagatan pa ito sa labas ng PAR.
Kaugnay nito, sinabi ni Cada na magpapatuloy sa mga susunod na linggo ang maalinsangan na panahon dahil na rin sa Easterlies o ang hanging nagmumula sa silangan na mainit.
Ayon pa sa PAGASA, naitala ang maalinsangan na panahon sa Metro Manila ngayong araw at naitala ang 34 hanggang 36 degrees Celsius na temperatura.
Naitala naman ang pinakamainit na panahon nitong nakalipas na Abril 25, 2014 sa Tuguegarao na umabot sa 39 degrees Celsius.
The post LPA binabantayan ng PAGASA appeared first on Remate.