SUMUKO na sa pulisya kagabi ang lalaking bumaril kay Pasil town Mayor James Edduba sa Kalinga province nitong nakaraang Sabado ng gabi.
Sa pangambang may mangyaring masama, nagpasama sa isang representante ng Angelican church, ang suspek na si Kitkiti Suyam, sa Kalinga provincial police office alas-7:45 nitong Linggo ng gabi upang isuko ang kanyang sarili, pahayag kaninang umaga ni Chief Supt. Isagani Nerez, Cordillera police director.
Bagama’t hindi pa ito nagsasalita hinggil sa pagbaril niya kay Edduba, ang pagsuko aniya ni Suyam sa awtoridad ay palatandaan na may kinalaman siya sa insidente.
Hindi naman nakuha pa ang panig ni Edduba kung sasampahan nito ng kaukulang kaso ang suspek dahil nagpapagaling pa ito sa pagamutan sanhi ng kanyang tama ng baril sa may baywang.
Matatandaang may bumaril kay Edduba nang masagasaan nito ang alagang aso ni Suyam noong nakaraang Sabado ng gabi.
The post Bumaril sa Kalinga mayor, sumuko na appeared first on Remate.