Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Motor sinuwag ng bus sa QC, bebot tigok

$
0
0

PATAY ang isang babae matapos mahagip ng pampasaherong bus ang sinasakyan nitong motorsiklo sa Quezon City, kaninang madaling-araw.

Sa ulat, binabaybay ng 21-anyos na si Mary Joy Soccoro, driver ng motorsiklo, at ng pasahero nitong si Rendell Espartero ang Belfast Avenue sa Quirino Highway papuntang Caloocan nang mahagip ng rumaragasang bus.

Gumewang-gewang ang motorsiklo hanggang sa sumemplang sa lansangan.

Dead-on-the-spot ang nasagasaan na si Socorro habang sugatan naman sa paa at tuhod si Espartero.

Agad namang sumuko ang driver ng Mayamy Transport Bus na si Felipe Estrada.

Kuwento nito, naunang sumemplang ang motor bago nasagasaan ang biktima.

Bagama’t sumuko, hindi pa rin ligtas si Estrada sa patung-patong na kaso.

The post Motor sinuwag ng bus sa QC, bebot tigok appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>