ISANG hindi pa kilalang lalaki ang natagpuang patay at nakahandusay sa kalsada dahil sa tama ng matigas na bagay sa ulo nito sa Caloocan City, Martes ng umaga.
Namatay habang ginagamot sa Tala Hospital sanhi ng pinsala sa ulo ang biktimang may taas na 5’7”, katamtaman ang pangangatawan at nakasuot na asul na short at jacket na pula.
Sa ulat, alas-6 ng umaga nang makitang nakahandusay ang biktima sa kalsada at duguan ang ulo sa Anahaw St., Amparo, ng lungsod.
Dinala ang biktima sa TH kung saan inaalam na kung sino at ano ang nangyari sa una.
The post Kelot natagpuang patay sa Caloocan appeared first on Remate.