SIYAM na bala ang ibinaon sa katawan ng isang hepe ng pulisya nang ambusin ng riding-in-tandem sa Bohol nitong Martes ng gabi, Abril 29.
Dead-on-the spot sanhi ng tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan si SP01 Noel Romagos, Danao PNP station commander.
Wala pang ideya ang awtoridad kung sino ang pumatay sa biktima pero isa sa mga tinitingnang motibo ay may relasyon sa pagiging alagad ng batas nito.
Ayon kay Bohol Provincial Police Office (BPPO), naganap ang insidente nitong Martes ng alas-7 p.m. sa Barangay Sta. Fe, Danao.
Bago ito, papunta sa ibang bayan ang biktima at ang misis nito pero pagsapit sa naturang barangay ay huminto sa pagmo-motorsiklo dahil may kakausapin ang kanyang misis na kaibigan.
Habang naghihintay sa labas, biglang dumating ang dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo at nagsabi kung puwedeng magtanong.
Hindi pa man nakapagtatanong, bumunot ng baril ang dalawang suspek at niratrat ang hindi nakapormang biktima.
The post Bohol town police chief, tigbak sa ambush appeared first on Remate.