Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Halaga ng nasabat na iligal na paputok, umabot sa P17M

$
0
0

UMABOT na sa halos P17M halaga ng mga ilegal na paputok ang nasabat at sinira ng Philippine National Police (PNP) kaugnay sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Ayon sa ulat ng PNP, umabot sa mahigit 7,000 tindahan ang kanilang ininspeksyon sa iba’t ibang bahagi ng bansa habang 177 sa mga ito ang kanilang naipasara dahil sa pagbebenta ng ilegal na paputok.

Umaabot naman sa 229 ang naaresto at 197 naman ay mula sa Metro Manila.

Samantala, umabot naman sa 413 ang bilang ng naitalang fire cracker related injuries.

Ang datos ay batay  Department of Health sec. Enrique Ona na sinasabing mas mababa ng 17% kumpara sa 498 na naitala noong sinalubong ang 2012.

Sinabi ni Ona na 404 sa mga ito ang naputukan, walo ang naging biktima ng ligaw na bala at isa naman ang nakalulon ng paputok.

Ayon kay Ona, mula sa mga naputukan, 219 ang dahil sa mga ipinagbabawal na paputok at kalahati rin ng mga ito ang mga batang may edad 10 taong gulang pababa.



Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>