PATAY ang isang asset ng pulis matapos itong pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin harap ng tindahan Miyerkules ng gabi, April 30, sa Northbay Boulevard South, Navotas City.
Dead-on-the-spot sa pinangyarihan si Jonathan De Jesus, 29, may asawa, striker ng Police community 5 (PCP5) at residente ng # 97 Catleya St., NBBS sanhi ng mga tama ng bala ng kalibre .45 sa ulo.
Mabilis namang tumakas ang hindi pa nakikilalang suspek bitbit ang ginamit na baril.
Base sa imbestigasyon nina P03 Jeffrey Montero at Po2 Joemil Juhan, alas-8:00 ng gabi ng maganap ang insidente sa tapat ng tindahan sa nasabing lugar.
Bago ito, nagpaload pa ang biktima sa nasabing tindahan hanggang sa dumating ang suspek at walang sabi-sabing pinagbabaril ang biktima na agad nitong ikinamatay.
Aminado ang asawa ng nasawi na ang kanyang mister ay isang asset ng pulis at marami na itong naiturong mga drug pusher sa kanilang lugar.
Nakarekober sa pinangyarihan ng mga tauhan ng Scene of Crime Operatives (SOCO) ang 5 empty shell ng kalibre .45 na ginamit sa krimen.
Inaalam ng pulisya ang tunay na motibo sa nasabing insidente.
The post Asset ng pulis utas sa pamamaril sa Navotas appeared first on Remate.