Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Buwayang Malang, ibinalik na sa Liguasan marsh

$
0
0

UPANG hindi matulad na sinapit ni Lolong, ibinalik na sa Liguasan marsh nitong Biyernes ng hapon, Mayo 2, si Malang, ang 7.5-foot na freshwater crocodile matapos ang may halos isang buwang pag-aalaga rito.

Si Malang, na iniulat na pinakamalaking buwaya naman na nahuli sa Liguasan marsh ay ikinulong malapit sa municipal hall ng Malang City sa North Cotabato.

Sinabi ni Mayor Joselito Piñol na wala silang planong kupkupin si Malang matapos sertipikahan ng mga miyembro ng Palawan wildlife rescue center na ito ay nasa mabuting kondisyon.

Samantala, pinuri naman ng animal rights group People for the Ethical Treatment of Animals ang ginawa ni Piñol at ng lokal na pamahalaan sa kanilang desisyon na pakawalan ng lamang si Malang sa kanyang habitat.

“Displaying a crocodile would not bring fame or honor to the Philippines or Cotabato. Keeping Malang in captivity would have only shown a lack of regard for animal welfare, and PETA applauds the city of Malang for recognizing that,” pahayag ng PETA.

“PETA also recognizes the Department of Environment and Natural Resources for advocating the release of Malang and not allowing her to meet the same fate as saltwater crocodile Lolong,” dagdag pa ng grupo.

Si Lolong, na isang 21-foot, 1,075-kilogram crocodile ay ang pinakamalaking buwayang naihawla at ito ay sinertipikahan ng Guiness Book of Records.

Nahuli ito noong 2011 sa Agusan del Sur pero namatay noong Pebrero 2013 sanhi ng komplikasyon na isinisisi sa kanyang pagkakahawla.

Sa kabilang dako, si Malang ay nahuli noong Abril 12 sa Liguasan Marsh ng mga mangingisda na taga-Barangay Dunguan, North Cotabato.

The post Buwayang Malang, ibinalik na sa Liguasan marsh appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129