Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Kelot timbog sa panghoholdap sa clinic

$
0
0

KALABOSO ang isang lalaki matapos holdapin at pagbantaang papatayin ang optometrist dahil may sakit umano ang anak ng una sa Valenzuela City, Lunes ng gabi, Mayo 12.

Nahaharap sa mga kasong robbery with threat ang intimidation at illegal possession of deadly weapon si Raymart Nota, 21, ng Doneza St., Balubaran, Malinta ng lungsod.

Sa pahayag ng biktimang si Donna Doma, 48, alas-6 ng gabi ay nasa loob siya ng kanilang clinic na De Guzman-Doma Optical sa Gov. Santiago, Malinta ng lungsod nang pasukin ng suspek at tutukan ng balisong.

Nagdeklara ng holdap ang suspek at sinabing “Kailangan ko ng pera”, subalit sinabi ng biktima na P100 lang ang pera niya.

Sumagot ang suspek na kailangan nito ng P500 dahil may sakit umano ang kanyang anak hanggang sa sabihin ng biktima na pakawalan siya at uutang sa mga kaibigan upang maibigay ang hinihingi ni Nota.

Sinabi ng suspek “magsusumbong ka lang, eh, sasaksakin kita kapag hindi ka nagbigay.”

Sa takot ay kinuha ng biktima sa kanyang bag ang P200 at iniabot sa suspek na agad nitong kinuha at tumakas.

Sumunod ang biktima hanggang sa makasalubong ng mga pulis at sinabi ang nangyari dahilan upang maabutan ang suspek at madakip.

Dinala sa presinto ang suspek at sinampahan ng mga nasabing kaso kung saan inaalam rin ng mga pulis kung totoong may sakit ang anak ni Nota upang kahit papaano ay matulungan sa pagpapagamot.

The post Kelot timbog sa panghoholdap sa clinic appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>