HIMALANG nabuhay ang 35-anyos na mister matapos magtangkang magbigti dahil hindi na makayanan ang mabungangang misis sa Tondo, Maynila.
Kasalukuyan pa ring naka-confine sa Gat Andres Bonifacio Hospital si William Monteverde ng 621 Rajah Matanda St., Tondo, Manila.
Sa report, alas-8 ng gabi nang naganap ang insidente sa loob ng kuwarto ng biktima.
Nauna rito, nagpunta ang biktima sa puwesto ng kanyang misis para humingi ng pambili ng sigarilyo pero bago binigyan ng pambili ay pinutakte muna ng katakot-takot na sermon at masasakit na salita.
Umuwi ang biktima sa kanilang bahay at sa sobrang sama ng loob at awa sa sarili ay kumuha ng electrical wire saka ipinulupot sa kanyang leeg.
Kaagad namang naisugod sa ospital ang biktima nang makitang nakasabit ni Manny Rodriguez na aksidenteng sumilip sa kanilang bahay at hinanap ang biktima.
The post Mister na naturete sa putak ni misis nagbigti appeared first on Remate.