TINATAYANG 12 pasahero ang sugatan makaraang mahulog sa bangin ang sinasakyan nilang bus sa Camarines Norte.
Kinilala ang driver na si Ramil Rafael Conmigo, 45, residente ng P-1 Brgy. Colasi, Mercedes ng nasabing probinsya.
Nabatid na tinahak ng bus ang Brgy. Colasi at nang paakyat na ito sa mataas na bahagi ng daan ay humarurot ito at nawalan ng kontrol dahilan para umatras at mahulog ito sa bangin.
Nagtamo ng sugat ang 12 pasahero na kinilalang sina Ricky Valenciano, 54; Jose Umali, 65; Rolly Rafael, 40; Nenita Anqiliano, 72; Marjorie Soria, 24; Nicolas Rafael, 31; Jeremy Nacario, 10; Jolita Tarubago, 65; Elena Eborde, 65; Arceli Frias, 54; John Francis Umali, 12; at Ridenzk Anisaka, 20.
Sinugod sa Camarines Norte Provincial Hospital ang mga nasugatan para lapatan ng paunang lunas habang patuloy ang imbestigasyon at ihinahanda na ang Reckless Imprudence Resulting to Multiple Physical Injuries laban sa driver.
The post Bus swak sa bangin, 12 sugatan appeared first on Remate.