NASA malubhang kalagayan ang isang porter matapos kadyutin ng saksak ng kabarangay habang ang una ay naglalaro ng tong-its kaninang madaling-araw sa Bgy. Northbay Boulevard, South Navotas City.
Inoobserbahan sa Tondo Medical Center ang biktima na si Jerwin Fernandez, 28, ng Block 29, Phase 2 Area 2, NBBS sanhi ng isang malalim na saksak sa batok.
Pinaghahanap ng pulis ang suspek na nakilala lamang sa alyas na Edwin. bitbit ang ginamit na patalim.
Ayon sa ulat, alas-2:30 ng madaling-araw habang nagsusugal ng tong-its ang biktima kasama ang ilang kalalakihan nang dumating ang suspek at agad na sinaksak sa batok ang biktima.
Agad na tumakas ang suspek habang inaalam na ang motibo sa krimen.
The post Porter tinarakan sa batok sa Navotas appeared first on Remate.