Image may be NSFW.
Clik here to view.
TODAS ang isang hindi pa nakikilalang lalaki matapos pagsasaksakin sa Cloverleaf Market sa Balintawak, kaninang madaling-araw, Hunyo 5, sa Quezon City.
Batay sa Scene Of the Crime Operatives ng Quezon City Police District (SOCO-QCPD), patay sa loob ng nasabing palengke ang biktima na kinilala lamang sa alyas “Elmer,” nakasuot ng puti at itim na jersey at naka-cargo shorts.
Nakitaan ding wakwak ang kaliwang braso ng biktima, indikasyong nanlaban ito samantalang may malalim na sugat sa katawan na pinapalagay na mula sa isang matalim na bagay na posibleng sanhi ng pagkamatay nito.
Sa kuwento ng mga nakasaksi, nakita nila ang biktima na duguang tumatakbo, at nagsisisigaw na tila may tinatakasan.
Ayon naman sa ilang tindero malapit sa lugar ng krimen, posibleng may nakaaway o nakaatraso ito sa lugar.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.
The post Fish vendor todas sa saksak sa QC appeared first on Remate.