WALANG inirekomendang piyansa kanina ang Quezon City Prosecutors Office laban sa security guard ng Quezon City Hall of Justice matapos magbenta ng ebidensyang mga baril.
Hindi pinayagang makapagpiyansa ni Assistant Prosecutor Manuel Luis Felipe ang akusado na si Jic Muana Florentino, 33, ng 098 Pook dela Paz, Old Balara, QC at security guard ng Office of the Executive Judge Hall of Justice ng QC City Hall.
Ayon kay Fiscal Felipe, may probable cause para isampa ang kaso laban sa akusado dahil sa paglabag sa batas at walang inirekomendang piyansa para sa pansamantala nitong kalayaan.
Nabatid sa piskalya na nitong Mayo 30, 2014 ang akusado na si Florentino ay ninakaw at ibinenta ang isang .45 kalibre ng baril, 2 magazine at 50 bala nang walang ligal na kautusan mula sa mga awtoridad.
Ayon pa sa ulat na ang mga nawawalang mga baril na ninakaw ay mula sa Regional Trial Court (RTC) Branch 215 sa Hall of Justice Annex building.
Lumalabas na ilang ulit nang ginawa ang pagnanakaw sa mga ebidensya at sa tulong ng isang insider, nagawang maaresto ang suspek.
Kasalukuyan ngayong nakapiit ang akusado sa tanggapan ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) at dinidinig ang kaso nito sa Quezon City Regional Trial Court Branch 90.
The post No bail sa sekyu ng QC Hall of Justice appeared first on Remate.