Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

LPG refilling station na sumabog sa Ilocos Sur, isinara

$
0
0

KAILANGAN munang isailalim sa imbestigasyon ang LPG refilling gas station bago muling makapag-operate.

Pansamantalang isasara ang LPG refilling gas station sa Ilocos Sur matapos ang nangyaring pagsabog na ikinasunog ng katawan ng apat na biktima.

Ito’y ayon kay Bureau of Fire Protection (BFP) Chief ng Bantay, Ilocos Sur na si Eddie Tabuno.

Sinabi ni Tabuno, may mga makita silang pagbabago sa area na hindi dumaan sa kanilang tanggapan, gaya na lamang ng pag-a-upgrade sa lokasyon nito.

Bagama’t aksidente ang nakikita nilang inisyal na dahilan ng pagsabog, masusi pa rin nilang sisilipin ang ilang aspeto kung may pagkukulang ang gas refilling station.

Ang naturang pagsabog ay nagdulot ng malubhang pagkasunog sa katawan ng apat na tao sa Paing, Bantay, Ilocos Sur.

Kinilala ang mga biktima na sina Renato Paet, Moises Gadut, Pablo Bermudez, pawang nagtatrabaho sa Satrap habang ang isa ay nakilala lamang sa pangalan na Cesar Espiritu.

Ayon sa mga nakasaksi, ililipat sana ang malaking tangke ng gas gamit ang isang crane ngunit hindi makayanan ang bigat nito.

Gumapang ang apoy papunta sa mga biktima habang sila ay tumatakbo.

Sa ngayon, nagpapagaling na sa isang ospital sa San Fernando, La Union ang mga biktima dahil sa tinamong pagkasunog.

The post LPG refilling station na sumabog sa Ilocos Sur, isinara appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>