Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Nang-hostage ng anak, tigbak sa parak

$
0
0

NAPUWERSANG pagbabarilin ng pulisya ang isang lalaking nag-ala-Rambo at magdamag na nang-hostage sa sariling anak para hindi mahuli sa San Mateo, Rizal, kaninang madaling-araw, Hunyo 7.

Naitakbo pa sa St. Vincent Hospital sanhi ng tama ng bala ng baril sa iba’t ibang parte ng katawan si Lary Lorena, 49, dating empleyado ng mutual benefits ng AFP  at residente ng AFP Village, sa Barangay Silangan, San Mateo, Rizal.

Hindi naman nasaktan ang kanyang hinostage na 10-anyos na anak na babae at pansamantala munang ipinakustodiya sa Department of Social and Welfare Development (DSWD).

Naganap ang insidente alas-4 ng madaling-araw sa loob mismo ng bahay ng suspek.

Ayon kay San Mateo Police Chief Col. Lucilo Laguna, Jr.,  bigla na lang nag-ikot alas-4 ng umaga ang suspek sa mga kalsada ng kanilang subdibisyon  at sa hindi malamang dahilan ay nagpaputok ng baril gamit ang kanyang 9mm pistol.

Sa pangambang makadisgrasya, humingi agad ang mga residente ng tulong sa pulisya na pagresponde ay agad pinaputukan ng suspek saka pumasok sa kanilang bahay kasama ang anak.

Tinangka itong pasukuin ngunit patuloy pa ring nagpapaputok.

Kinontak na rin ng pulisya ang mga magulang para pasukin ang kanilang anak ngunit nabigo pa rin.

Pero kaninang madaling-araw, biglang lumabas ng bahay ang suspek at pinaputukan muli ang mga pulis na nakapaligid.

Sa puntong ito, napilitan nang barilin ng pulisya ang salarin na agad nitong ikinamatay.

Sinasabing may dalawang taon na itong iniwan ng kanyang asawa dahil sa bayolente lalo na’t kapag nakakainom.

The post Nang-hostage ng anak, tigbak sa parak appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>