PATAY ang isang kargador matapos uminom ng isang uri ng energy drink sa Bgy. Langtad, Naga, Cebu.
Kinilala ang biktima na si Richard Miraflor, 39, ng Bgy. Alang-Alang, Mandaue.
Ayon sa mga kasamahan ng biktima, nagpaalam ito sa kanila na bibili muna ng maiinom sa isang tindahan pero matapos uminom ng energy drink na hindi muna tinukoy ang brand ay basta na lang ito natumba.
Inaalam na ng Food and Drugs Administration (FDA)-7 kung may kinalaman ang ininom na energy drink ng biktima sa kanyang pagkamatay.
The post Kargador utas sa energy drink sa Cebu appeared first on Remate.