Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

LPA nasa PAR na, posibleng maging bagyo

$
0
0

NAKAPASOK na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang low pressure area (LPA) sa Hilaga ng bansa at posibleng maging ganap na bagyo.

Kinumpirma ni PAGASA weather forecaster Glaiza Escullar, alas-5:00 ng umaga nang mamataan ang sama ng panahon sa layong 90 kilometro hilaga hilagang-silangan ng Laoag City.

May posibilidad itong maging bagyo (tropical depression) sa loob ng 24-48 oras.

Tatawagin itong “Ester” na panlimang bagyo sa bansa ngayong taon.

Inaasahan naman sa ilang bahagi ng lugar sa norte na magkakaroon ng maulap na kalangitan na may mga pag-ulan.

Apektado nito ang Batanes, Calayan at Ilocos Region at Cagayan.

Samantala magiging maaliwalas naman ang panahon sa Metro Manila ngunit asahan pa rin ang pulo-pulong pag-ulan o pagkidlat-pagkulog sa hapon o gabi.

The post LPA nasa PAR na, posibleng maging bagyo appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>