TODAS ang isang radio broadcaster matapos ambusin ng hindi pa nakikilalang mga suspek sa Barangay Lalud, Calapan City, Oriental Mindoro ngayong hapon, Lunes.
Kinilala ni Calapan City police chief Supt. Vicerio Cansilao ang biktima na si Nilo Bacolo, announcer sa DWIM sa Calapan.
Nabatid na tinambangan si Bacolo malapit lamang sa kanyang bahay.
Naisugod pa sa Maria Estrella Hospital ang biktima subalit binawian din ng buhay.
Kasalukuyan pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang awtoridad sa nasabing pamamaslang at kung ano ang motibo sa krimen.
The post Radio broadcaster utas sa ambush sa Mindoro appeared first on Remate.