IDINIPENSA ng Philippiune National Police (PNP) si CIDG Chief Police Director Benjamin Magalong nang ihayag ang pagsasampa ng kaso laban sa ilang mga heneral na sangkot sa pagbebenta ng baril sa mga rebeldeng NPA.
Ayon kay Police Chief Supt. Reuben Theodore Sindac, tagapagsalita ng PNP, nananatiling “tsismis” lamang ang pagkakasangkot ng ilang mga heneral sa usapin hangga’t hindi pa nakapagsusumite ang mga ito ng kanilang kontra salaysay.
Gayunman, sinabi ni Sindac na pinag-aaralan na ng PNP kung ano ang kasong isasampa at kung sinu-sino ang mga taong ipaghaharap ng asunto.
Magugunitang inihayag ni Magalong noong nakalipas na linggo na 19 ang kanilang nakatakdang ipagharap ng kaso na kinabibilangan ng mga pulis at sibilyang nagsabwatan upang maibenta sa mga rebelde ang may 1,000 AK-47 na baril.
The post Pagbebenta ng AK-47 rifles sa NPA, ‘tsismis lang’ – PNP appeared first on Remate.