Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Bebot niratrat ng riding-in-tandem sa QC

$
0
0

ONSEHAN sa droga o love triangle ang mga sinisilip na motibo ng pulisya sa pagpatay sa isang babae sa Quezon City kaninang umaga, Hunyo 14.

Dead on arrival sa Far Eastern University Hospital (FEUH) sanhi ng tama ng bala ng hindi pa malamang kalibre ng baril sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktimang si Agnes Advincula, 29, ng Barangay Holy Spirit, QC.

Blangko pa ang Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) kung sino ang nasa likod ng pamamaslang pero isa sa mga tinitingnang anggulo ay may kaugnayan sa droga o love triangle.

Sa ulat, naganap ang insidente alas-9 ng umaga sa Republic Avenue, sa Barangay Holy Spirit.

Ayon sa nakasaksi, naglalakad ang biktima sa nasabing kalsada nang sabayan ng suspek saka pinagbabaril bago tumakas sa naghihintay na Honda Wave motorsiklo na minamaneho ng kasabwat nito.

Tinagurian ang lungsod ng Quezon na riding in tandem capital ng bansa dahil na rin sa halos magkakadikit na kaso ng pagpatay sa lansangan na ang sangkot ay mga armadong magkaangkas na kalalakihan sa motorsiklo.

The post Bebot niratrat ng riding-in-tandem sa QC appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>