NIYANIG ng 3.7 magnitude na lindol ang Eastern Samar Pebrero 19, 2013 (Lunes) ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Ayon sa Phivolcs naitala ang intensity 3 na lindol sa Borongan City, Oras, San Policarpo at Can-avid, Eastern Samar.
Habang niyanig naman ng intensity 2 na lindol ang Llorente, Eastern Samar.
Sinabi ng Phivolcs na dakong 5:06 ng hapon kahapon nang maramdaman ang lindol sa Silangan ng Dolores Eastern Samar.
Ang lalim sa lupa ng lindol ay 11 kilometro at ang origin ng lindol ay tectonic.
Wala naman inaasahan aftershocks o napinsala sa naturang lindol.