PITONG sachet ng shabu ang narekober ng mga awtoridad sa apat katao na nahuli sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Rosario, Pilar, Capiz.
Sinabi ni S/Insp Errol Guatche, hepe ng Pilar police station, na maliban sa pinaniniwalaang droga, narekober din ang isang kalibre .38 revolver at fragmentation grenade.
Kabilang sa mga nahuli at nasa kustodiya na ng pulisya sina Leo Banez, 34; Jennifer Bedeo, 28, kapwa ng Barangay Poblacion; Rio Adrigado, 24, ng Barangay Rosario; at Rayban Fuentes, 18, ng Barangay San Fernando sa nasabing bayan.
Ayon kay Guatche, maaaring maharap ang apat sa paglabag ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Isinagawa ang nasabing operasyon ng Regional Anti-Illegal Drug Special Operations Task Force (RAIDSOTF) sa pamumuno ni P/Supt David L. Cachumbo, Jr.
The post 4 dakip sa baril at granada sa Capiz appeared first on Remate.