Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

2 obrero niratrat sa inuman, kritikal

$
0
0

DALAWANG construction worker ang pawang malubha sa ospital matapos pagbabarilin ng isang kalugar na hinahanap ang nawawalang anak kagabi, Miyerkules, June 25 sa Brgy. Dampalit, Malabon City.

Kapwa ginagamot sa Tondo Medical Center (TMC) ang mga biktimang sina Sonny Ramos, 45, at si  Wilfredo Dela Cruz, 42, kapwa ng #34 Merville subd., ng nasabing barangay sanhi ng mga tinamong tama ng bala ng hindi nabatid na kalibre ng baril.

Pinaghahanap naman ang suspek na nakilalang si Joel Ofgueria, nasa hustong gulang ng Peoples Village, Merville subd. ng nasabing barangay na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Sa imbestigasyon ni PO3 Jun Belbes, dakong 10:10 ng gabi nang maganap ang insidente sa tapat ng bahay ng mga biktima sa nasabing lugar.

Nabatid, nag-iinuman ang mga biktima nang dumating ang suspek na galit na galit na hinahanap ang kanyang anak subalit wala naman sa inuman.

Dito na kinantiyawan ng mga biktima ang suspek na huwag nang hanapin ang anak dahil binata na ito na ikinagalit naman ni Ofgueria.

Umalis ito saglit at nang bumalik ay bitbit na ang baril na ginamit sa krimen.

The post 2 obrero niratrat sa inuman, kritikal appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Trending Articles


Mga Patama sa mga Nagmamahal the Best Tagalog love quotes for you


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


“Tado” Jimenez Quotes Collections Online


5 Tagalog Relationship Rules


Hugot Lines 2020 Patama : ML Edition


Re:Mutton Pies (lleechef)


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Girasoles para colorear


Pokemon para colorear


Presence Quotes – Positive Quotes


Maganda Quotes – tagalog Quotes – Inggit Quotes


EASY COME, EASY GO


Top 10 Best Tagalog Friendship Quotes and Sayings | mrbolero


“BAHAY KUBO HUGOT”


RE: Mutton Pies (frankie241)


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


HOY PANGIT, MAGBAYAD KA!



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>