AGNO, PANGASINAN – Patay ang isang mangingisda natapos malunod habang nangangalap ng isda sa bayan ng Agno, sa nasabing lalawigan, kahapon ng madaling-araw, June 28.
Kinilala ng Agno police ang biktimang si Dominador Carrera, nasa wastong gulang, ng Barangay Aloleng, sa nabangit na bayan.
Sa imbestigasyon, madaling-araw ng umalis ang biktima sa kanilang tahanan ngunit sa maghapon ay hindi na ito bumalik.
Dahil dito, hinanap nila ang biktima at tanging bangka niya ang natagpuan.
Pagkaraan lamang ng ilang oras, nakita ang bangkay ng biktima na palutang-lutang sa ilog.
Nagsasagawa ng follow-up investigation ang local na pulis kung may nangyaring foul play sa pagkamatay ng biktima.
The post Mangingisda sa Pangasinan nalunod, patay appeared first on Remate.