Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Biktima ng hazing, natagpuang patay sa Maynila

$
0
0

HINIHINALANG biktima ng hazing ang isang 18-anyos na estudyante ng De La Salle – College of St. Benilde (DLS-CSB) na natagpuang wala ng buhay sa kanyang tinutuluyang unit sa Taft Avenue, Maynila kagabi.

Kinilala ni PO2 Michael Maraggun, imbestigador ng MPD-Homicide Section, ang biktima na si Guillo Cesar Servando, 18, sophomore student ng naturang eskwelahan.

Habang tatlo pa umanong kasamahan nito ang sugatan at patuloy na ginagamot sa Philippine General Hospital (PGH).

Batay sa imbestigasyon, ang mga biktima ay dumating sa Unit 2907 ng One Archers Place sa Taft Avenue na pasuray-suray ganap na alas-9:30 kagabi.

Inakala naman ng guwardiya ng unit na lasing lamang ang mga ito dahil sa kanilang mga kilos at paglalakad.

Alas-11 naman ng may rumespondeng ambulansya ng Philippine Red Cross (PRC) dahil sa umanoy tawag ng tatlo mula sa nasabing unit.

Agad naman itong inalam ng guwardiya kaya agad na pinaakyat ang rescue team kung saan inabutan ang isa sa biktima na hindi na gumagalaw at wala ng buhay.

Ayon pa sa nakuhang impormasyon ng pulisya, sinundo umano ang mga biktima sa isang fastfood chain sa Taft Avenue at piniringan bago dinala sa isang lugar.

Nang matapos na ang initiation rites ay saka sila inihatid malapit sa kanilang unit.

Hindi pa tukoy ngayon ang lugar na pinagganapan ng initiation rites.

Napag-alaman din na ang sinalihang fraternity ng mga biktima ay Alpha Kappa Rho (AKRHO).

Sa ngayon ay hindi pa batid ang pangalan ng tatlo pang sugatan na ginagamot ngayon sa PGH.

Hindi pa nagbibigay ng pahayag ang pamunuan ng eskwelahan at patuloy ang imbestigasyon sa insidente.

The post Biktima ng hazing, natagpuang patay sa Maynila appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>