NA-SUFFOCATE ang isang nursing student nang lamunin ng apoy ang kanyang tinutuluyang boarding house sa Cebu City Sabado ng hapon, Hunyo 28.
Ang biktimang si Adrian Tecson, 17, ay pinaniniwalaang namatay dahil sa asphyxia o kawalan ng hangin sa baga.
Bukod naman sa kaswalidad at sa naturang boarding house, may 20 kabahayan pa ang nadamay na umabot sa pangalawang alarma.
Sa ulat, naganap ang insidente 4:25 ng hapon sa isang boarding house na nasa Barangay Banilad, Cenu City.
Ayon sa may-ari ng boarding house na si Isabel Rosales, bago ang insidente ay kinakatok ng ibang boardmates ang biktima para ipaalam na nasusunog ang naturang boarding house.
Pero wala aniyang nagbubukas ng pinto o sumasagot sa kanilang panawagan kaya ipinalagay na wala roon ang biktima sa kanyang aircondition room.
Nabatid din na kasama ng biktima ang kanyang kapatid sa inuupahang kuwarto pero umuwi ito sa Dipolog City.
Hindi naman ibinabasura pa ng fire authorities, na may foul play sa pagkamatay ni Tecson dahil hindi sila makapaniwalang hindi ito magigising sa malalakas na katok sa kanyang kuwarto.
The post Boarding house nasunog, estudyante tigbak appeared first on Remate.