NAGPAABOT na ng mensahe ang mga suspek na nais na nilang sumuko kaugnay ng pagkamatay ng hazing victim na si Guillo Cesar Servando.
Ayon kay Atty. Joel Tovera, hepe ng NBI Death Investigation Unit, isang grupo ang tumawag sa kanila at nagpapahiwatig na susuko.
Nabatid naman kay Mang Aurelio Servando, ama ng hazing victim, na ihahatid nila sa Bacolod ang mga abo nito na na-cremate na kahapon.
Matatandaan na si Guillo ang pinakabagong biktima ng kalupitan ng kapatiran matapos magkaroon ng “traumatic injuries” sa kanyang katawan nang makita nitong nakaraang linggo sa isang condominium unit sa Maynila.
The post Mga suspek sa pagkamatay ni Servando, gustong sumuko appeared first on Remate.