Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Florita lumakas pa, Habagat pag-iibayuhin din

$
0
0

LUMAKAS na, palalakasin pa ng Bagyong Florita ang hanging Habagat.

Sa 11 a.m. PAGASA weather bulletin, naitala na sa 175 kilometro kada oras (kph) ang lakas ng hangin ng bagyo malapit sa gitna at may pagbugsong aabot sa 210 kph.

Nananatili naman sa 24 kph ang bilis nito at patuloy na tinatahak ang kanluran hilagang-kanluran ng bansa.

Dakong 10:00, Linggo ng umaga nang huli itong mamataan sa layong 990 kilometro silangan ng Tuguegarao City.

Wala pa ring direktang epekto sa bansa si ‘Florita’, ngunit palalakasin nito ang Habagat o southwest monsoon na siyang magdadala ng katamtamang pag-ulan sa Bicol Region, MIMAROPA at Visayas.

Paminsan-minsang pag-ulan naman ang aasahan sa nalalabing bahagi ng Luzon.

Sa ngayon, mapanganib ang paglayag sa eastern seaboard ng Luzon at ng Visayas.

Sa Martes naman ng umaga, inaasahang lalabas na ng PH area of responsibility (PAR) ang bagyo.

The post Florita lumakas pa, Habagat pag-iibayuhin din appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129