NILALAPATAN ng lunas ang pitong miyembro ng Philippine National Police (PNP) nang maaksidete ang sinasakyang patrol car sa highway ng Barangay Biswangan, Lakewood, Zamboanga Del Sur.
Sa report ng Police Regional Office (PRO-9), pabalik na sa kanilang base ang mga pulis matapos nang mangyari ang aksidente.
Ayon sa driver ng patrol car na si PO3 Roel Hocoy, hindi niya napansin ang blind curve ng naturang highway kaya nawalan ng kontrol at bumangga sa side barrier ng kalsada.
Nagtamo ng mga sugat sa katawan ang mga pulis na pawang mga kasapi ng Zamboanga Sibugay Public Safety Company 2nd platoon at Regional Public Safety Company 2nd Mobile Company.
Kaagad namang dinala sa Pagadian City Medical Center ang mga sugatang pulis.
The post 7 pulis sugatan sa aksidente sa Zamboanga appeared first on Remate.