LAOAG CITY – Nahulog na rin sa mga kamay ng Laoag City Philipiine National Police (PNP) ang isa sa mga “big-time” drug pusher ng siyudad matapos maaresto sa pamamagitan ng search warrant noong Martes, July 8.
Kinilala ni Laoag City Chief-of-Police Supt. Jeffrey Gorospe, ang suspek na si Alex Guarino, ng Barangay Araniw, ng nasabing siyudad.
Si Guarino ay nahuli sa mismong kuwarto niya magsagawa ng raid ang PNP Laoag sa kanilang bahay dala ang search warrant.
Ayon kay Gorospe, nakuha sa suspek ang ‘di pa batid na halaga ng shabu at mga drug paraphernalia.
Ayon sa pulis, si Guarino ay kabilang sa mga big-time drug pusher sa Laoag na matagal ng pinaghahanap.
Nakakulong na ngayon si Guarino sa Laoag City police detention cell.
The post ‘Big-time’ drug pusher sa Laoag, dakip sa raid appeared first on Remate.