Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Buntis, bugbog-sarado sa ka-live-in

$
0
0

BUGBOG-SARADO ang isang buntis sa selosong ka-live-in makaraang makarinig ng tsismis ng kainuman Martes ng hapon, July 8, sa Navotas City.

Kinilala ang biktimang si Emelita Salilican, 35, ng #373 L. Santos St., Brgy. Tangos ng nasabing lungsod na namamaga pa ang mukha at katawan sa gulpi nang magtungo sa himpilan ng pulisya upang sampahan ng reklamo ang live-in partner.

Agad namang naaresto ang suspek na si Marvin Demanzana, 42, mangingisda at nahaharap sa kasong   Less Serious Physical Injuries at Grave Threats in relation to R.A. 9262 habang nakapiit sa detention cell ng Navotas Police.

Batay sa ulat ni SPO1 Belany Dizon ng Women and Children Protection Desk (WCPD) Navotas Police, dakong 5:00 ng hapon nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng mga ito sa nasabing lugar.

Nabatid na nakikipag-inuman ang suspek nang i-tsismis ng isa sa mga kainuman nito na may nanliligaw sa ka-live–in niya at lumalandi ito dahilan upang magalit ang lasing na si Demanzana.

Saad ng biktima, nagulat na lamang siya nang sumugod ang suspek na galit na galit kung at agad siyang pinagsasapok sa mukha at ginawang punching bag ang katawan kahit alam na buntis siya.

Habang inuupakan umano siya ng suspek ay sumisigaw itong: ”Sabi mo demonyo ako, may napatay na ko ‘kala mo, baka akala mo hindi kita kayang patayin..unti-unti kitang papatayin!”

Matapos nito’y nagawang makahingi ng tulong ng biktima at ipinaaresto ang lasing na suspek.

The post Buntis, bugbog-sarado sa ka-live-in appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129