Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Bokal ng Samar town, nakaligtas sa ambus

$
0
0

SA pangalawang pagkakataon, nakaligtas muli sa ikinasang ambush ang isang provincial board member ng Samar town, nitong Miyerkules ng gabi, Hulyo 9.

Sa ipinosteng mensahe kaninang umaga sa kanyang Facebook account, sinabi ni Alma Uy, isang dating judge at miyembro ng Liberal Party at kasalukuyang board member ng Jiabong town, Samar, ipinakita nito sa mga inilagay na mga larawan ang mga tama ng bala sa kanyang kotse.

“Friends, I am ok and ALIVE. I was ambushed yesterday at Jiabong, Samar. Thanks so much Jiabong police. Everything is with SOCO now, I am the luckiest girl in the world right now,” pahayag ni Uy.

Naganap ang insidente dakong 7:00 nitong Miyerkules ng gabi sa Barangay Jia-an, sa Jiabong town, na may 11 kilometro mula sa Catbalogan provincial capital.

Bago ito, pauwi na si Uy nang pagdating sa lugar ay biglang tinambangan ng mga hindi nakikilalang kalalakihan.

Maalalang may ilang taon na rin ang nakararaan nang makaligtas din sa pang-aambus si Uy na kilalang matapang at tinutuligsa lagi ang oposisyon sa mga kuwestyonableng transaksyon.

The post Bokal ng Samar town, nakaligtas sa ambus appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>