NIYANIG ng magnitude 6.8 na lindol ang Japan nitong madaling-araw.
Ayon sa US Geological Survey, naitala ang sentro ng lindol sa 129 kilometro east-southeast ng Namie sa Honshu Island at may lalim na 11 kilometro.
Malapit lamang ang sentro ng pagyanig sa Fukushima na siyang sentro ng nuclear crisis kasunod ng pananalasa ng tsunami noong 2011.
Kasabay nito ay nagpalabas ng tsunami warning ang Japan Meteorological Agency(JMA) sa mga lugar na nasa Pacific coast partikular sa Tohoku region.
Inabisuhan din ang mga residente sa lugar na kaagad lumikas.
Subalit ayon sa ahensya, bagama’t magkakaroon ng pagbabago sa sea level, walang mapaminsalang tsunami na inaasahan.
Maalala na noong March 11, 2011 ay niyanig ng magnitude 9.0 na lindol ang nasabing bahagi ng Japan na nagdulot ng tsunami, sanhi ng pagkasawi ng 16,000 katao at pagkasira ng Fukushima Daiichi nuclear plant.
The post Tsunami warning itinaas sa Fukushima, Japan appeared first on Remate.