MISMONG ang mga kapatid na ng isang dalaga ang nagreklamo sa live-in partner ng kanilang ate dahil sa pang-aabuso nito sa biktima.
Ayon sa reklamo ng magkapatid, natutulog na ang 22-anyos na biktima nang yayain ito ng suspek na makipagtalik.
Subalit tumanggi ang biktima dahil umano pagod siya.
Nagalit ang suspek at sinipa sa likod ang dalaga bago kumuha ng kutsilyo sa kanilang kusina at tinutukan ang biktima.
Inagaw pa ng biktima ang kutsilyo ngunit nahawakan niya ang matalim na bahagi ng kutsilyo kaya ito nasugat.
Dito na tumakas ang suspek habang tumakbo naman sa pulisya ang dalawang kapatid ng biktima upang isuplong ang pang-aabuso sa kanilang ate.
The post Bebot tumanggi sa sex, sinaktan appeared first on Remate.